Lunes, Marso 21, 2011

"Pitik Bulag"


BANTA sa kalayaan ng pamamahayag ang batas na inakda ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. at hindi ito ma­­ganda sa bansang kinikilala ang demokrasya. Sa batas ni Pimentel, maaaring mag-reply sa loob ng 24 na oras ang sinumang tao na inaakalang siya ay naagrab­yado ng media. Kapag ang reply ng individual ay hindi raw pinagbigyan ng media groups, pagmumultahin ng P50,000
            Ang batas na ito ay puputol sa malayang pama­ma­hayag sapagkat hindi na makagagalaw nang husto ang media sa mga tungkulin niya sa pagha­hatid ng impor­masyon. Lalabas na nakatuntong sa numero ang galaw ng media sapagkat may batas na tila tumatakot sa kan­yang mga hakbang. Nasaan ang kalayaan ng pama­mahayag dito na nakatadhana at itinataguyod ng Constitution. Sa halip na makapag­hatid ng mga mahahala­gang impormasyon sa taum­bayan, mapipigilan sapagkat may batas na parang “tabak” na nasa ulunan na anumang sandali ay babagsak sa ulo.


 Ang bawat taon ay nagbukas kasabay ng pagpapatupad ng maraming pahirap sa mamamayang Pilipino; tanda nito ang papatinding krisis na sinabayan pa ng kaltas ng gobyerno sa serbisyong panlipunan nito. Ilang buwan pa lang si Noynoy Aquino sa pwesto, mabilis na natatanggal at nailalantad ang kanyang pagsunod sa imperyalistang US at pagkiling sa interes ng mga panginoong may-lupa at malalaking tao sa lipunan. Ang sinasabing tuwid na daan ay nauwi sa baluktot na polisiya sa ekonomiya at pagbalewala sa panawagan para tunay na repormang pang-agraryo at pambansang industriyalisasyon.

       Ang mga kabataan at estudyante ay may likhang talas ng pag-iisip at pag-aanalisa sa mga bagay kaya hindi makakatakas sa kanilang paningin ang kasalukuyang bulok na sistema sa lipunan na pinapatunayan ng lumalalang kahirapan, dumaraming bilang ng walang trabaho at hindi nakakapag-aral. Dito umuusbong ang lumalakas na pakikilahok at kilos-protesta  ng mga kabataan kaugnay sa mga kaganapan sa lipunan. Sa huli, hangga’t hindi nawawakasan ang matinding kahirapan at di-pagkakapantay-pantay sa lipunan, mananatili ang mga anyo  ng bulok na sistema sa ating bayan, huwag na tayong maglaro ng pitik-bulag na maaring ikabulag ng naghihingalong bayan ni JUAN.


Hinalaw:


www.yahoo.com
www.google.com
www.wikipedia.com
www.philstarngayon.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento